Biyernes, Setyembre 2, 2011

THE LIFE OF OUR BELOVED RODOLFO C. FAUSTINO

It was December 26, 1944 when Rodolfo Clamor Faustino was borne to Jacinta Clamor and Guillermo Faustino in Bo. Bagumbong, Caloocan City. He was the eldest among the brood of five.

After finishing Grade 4, the young Rodolfo stopped going to school to help his parents earned for a living. He gathered “labong” or bamboo shoot and sold to Balintawak Market. At a very young age he was observed to be diligent and focused.

He was 16 years of age when he got married to Remedios Bernal and they were blessed with five children, four boys and an only girl. Years after they ended living with separate lives. Possessing a very macho image, he had another chance of falling in love with another girl with whom he had 2 children.

He enjoyed close relationship with his elder relatives who influenced him much in his political career. At the age of forty-five, his uncle, the late Punong Barangay Mariano Clamor, convinced him to run for Barangay Council. Hesitant at first but later was persuaded to file his candidacy for the position of a Barangay Kagawad. He was elected 1st Barangay Kagawad in 1989. Two years after he was appointed as Punong Barangay when PB Mariano Clamor died of a lingering illness.

It was 1993 when he formally took an oath as the new Punong Barangay of Bagumbong. It was the same year when he fell in love again with this writer whom he considered as his greatest love and the woman behind his remarkable and successful leadership.

He tasted the sweetness of politics when he run for Punong Barangay in 1994 and got a landslide victory. He dedicated his life serving his people with integrity. He didn’t give up on his ambitions to make Bagumbong a haven of peace and progress, and its people united. Structures after structures were built such as Barangay Hall Buildings 1 & 2, Day Care Centers, Barangay Health Center, Botika Ng Barangay, Multi-Purpose Hall in most of the subdivisions, Basketball Courts, roads, waiting sheds, school buildings, Tahanang Mapagpala Center and countless projects for his constituents. He may not reach higher education but Kap Rodolfo Faustino was indeed a very good leader.

In 1997 Barangay Election and his second attempt to run for Barangay Captain nobody opposed him. As an elected official his performance was remarkable. He received the 1997 KAGITINGAN AWARD for MOST OUTSTANDING BARANGAY CAPTAIN OF THE PHILIPPINES by Express Journal and in 1998 another award as THE MOST OUTSTANDING PUBLIC OFFICIAL by Media Writers Association of the Philippines, Inc.

In 2002 Barangay Election Kap Rudy was re-elected for the same position. He worked almost 18 hours a day. The nights were spent in haste because there were big demands of his time. The barangay population had increased a triple high. No man can be as compassionate as Kap Rudy. He had all ears to the needs of his people, that how he’s noted for.

In December 2005, his health condition worsened. He had earlier diagnosed to have been suffering from Diabetes and eventually had complications. No pain and illness would cease him from doing his tasks. Having reached his last term as Punong Barangay and without much ado, he ran and won as Barangay Kagawad in 2007 election. He made efforts to be a good performing Kagawad but his illness deprived him from doing so.

Kagawad Rudy, although suffering from illness, celebrated his last birthday on December 26, 2008 with his family, friends and supporters. Two days after he was brought to the hospital where he spent the rest of his life. Discerning that the "expected time" could come, he met and talked to his loved ones. For the sake of love and care for his constituents he would like to pass on his legacy to his eldest son, Nemesio "Mining" Faustino.

The information of his death in January 21, 2009 came too suddenly that his beloved could hardly accept. He surrendered everything to God. He had a very peaceful moment between life and death… The loved ones who were gathered around his sickbed knew that eternity was before him. He was laid to rest in Serenity Memorial Garden on January 25, 2009 and the rest is History.

Here situated in the heart of Bagumbong, Barangay 171 Hall Complex, Rainbow Village5, stand the legacy that our beloved RODOLFO C. FAUSTINO had left behind. His memories will continue to remain in our hearts. His vision came true and mission accomplished.


Ang Alamat Ng Bagumbong

SAAN NGA BA NAGSIMULA ANG BAGUMBONG?
Akda nina:
+Rodolfo C. Faustino /Reynaldo C. Fabella
Punong Barangay/ Kalihim


Ang kuwentong ito ay marami nang ulit naming narinig sa aming lolo. Ayon sa kanya siya raw ay isinilang noong 1865 at dalawamput apat na taong gulang nang siya ay sumapi sa hukbong maghihimagsik ni Hen. Emilio Aguinaldo. Habang nagsasalaysay ay nakikita naming namimilog ang dalawa niyang mata at pumapatak ang luha. Siya raw ay kabilang sa batalyong pinamumunuan ni Hen. Artemio Ricarte na kilalang-kilala sa tawag na “Vibora”. Nararamdaman namin ang kadalisayan ng kanyang kuwento. Marami siyang kuwento sa pakikipaglaban sa mga kastila at amerikano na tinatawag niyang “yangki”. Ayon sa kanya ay si Ricarte raw ang pinakamatapang na tao niyang nakita sa larangan ng digmaan. Tumatayo daw ito sa itaas ng mga trenstera at doon nag-uutos sa kanyang mga kawal. Hindi raw ito tinatalaban ng bala dahil may-agimat ito. Sa dahilang hindi na kami naniniwala sa mga agimat at anting-anting, kaya binago naming ang usapan. Tinanong namin siya kung saan nagmula ang tawag sa nayon ng Bagumbong. Subalit bago natin pasimulan ang kuwento ay dapat lang na makilala ang aming lolo na ang buong pangalan ay Tinyente Atanacio Clamor isang maghihimagsik noong panahon ng kastila at amerikano.

Ayon sa aming lolo… Noong mga panahong iyon na ang nayong ito ay hindi pa nararating ng mga kastila dahil tunay na malayo sa bayan. Ito ay matatagpuan sa paanan ng bulubundukin ng Bulakan. Malawak ang mga parang na kung saan gumagala ang iba’t ibang hayop, tulad ng usa, baboy-ramo, alamid at musang. Samantalang sa himpapawid ay nagliliparan ang iba’t-ibang uri ng ibon na may iba’t-ibang kulay. Mga ibong tulad ng lawin, uwak, bato-bato, kulyawan, kalaw at maya. Matataas ang mga punong kahoy at sagana rin sa mga punong kawayan at buho. Umiindayog ito sa saliw ng umiihip na hangin. Sa ibang panig ng parang ay maririnig ang aliw-iw ng agos ng mga ilog, batis at sapa. Masasabi raw na ang lugar na ito ay isang mala-langit na pook. Tahimik, malinis at maaliwalas ang buong kapaligiran."

Nang magtanong kami ukol sa mga ikinabubuhay ng mga tao, ay naging mabilis ang kanyang kasagutan. Pagsasaka at pagtatanim ng iba’t-ibang gulay ang siyang pinagkukunan ng mga ikinabubuhay ng tao. Lubha raw mataba ang mga bukid kung kaya laging sagana ang mga ani ng magsasaka. Hinambing niya ang tao noon sa mga kasalakuyang mamamayan. Noon, hindi raw nagugutom ang tao dahil masisipag magsipagtanim. Ngayon ang sabi niya lagi na lang umaasa sa suweldo ang tao, paano kung walang hanapbuhay.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang kuwento. Wala pang makabagong pamamaraan sa buhay, ang mga tao ay sumasalok at umiigib ng tubig sa malalayong balon, batis at sapa. Kung kaya ang mga magsasaka at magbubukid nakaisip ng mga paraan para magkaroon ng pangsalok ng tubig. Dahil sagana ang nayon sa mga naglalakihang kawayan na may mahahabang biyas kung kaya ito ang kanilang pinutol at ginawang pang-igib. Ang bawat isa ay pumuputol ng mga biyas ayon sa kanilang kakayahang dalhin. Nilalagyan nila ito ng taling abaka upang gamiting sakbat sa balikat. Naging mabisa ang paraang ito. Subalit ng magtagal ang mga tao ay nagpaligsahan na sa pag-gawa ng bumbong. Nilalagyan nila ng mga palamuti ang kanilang pangsalok upang makilala ang mga may-ari ng bumbong.

Di na nagtagal ang mga misyonaryo ng simbahan ay nakarating sa Nayong ito. Ang misyon palaganapin ang pananampalataya sa krus at sa simbahang katoliko. Ang mga ito ay tinatawag ng mga magbubukid na “among” na di mapaliwanag ang dahilan. Subalit wala pa ring pangalan ang nayon. Hanggang isang araw samantalang pauwi na ang isang magsasaka na may dalang putol na bumbong ay nasalubong ng dalawang prayle.

“Buenas Tardes” ang sabi ng pari. Sapagkat hindi naiintindihan ng magsasaka ang sinabi ng pari, siya ay tumigil at inalis ang balanggot sa ulo at yumukod ng bahagya. Nagtanong ang pari “como tellama esta”. Sabay turo sa lupa na ang nais na malaman ay kung ano ang pangalan ng lugar. Sa pag-aakala ng magsasaka na ang tinatanong ay kung ano itong dala niya, sinabi “Ah ito – Bagong Bumbong” “Ah si Bagumbong” marahil dahil kastila iniisip ng magsasaka na marahil hindi lang mabigkas ang salitang Bagong Bumbong kung kaya hindi na siya kumibo.

Mula noon naging Bagumbong ang tawag sa Nayong ito. Isang bahagi ngayon ng lungsod ng Caloocan na noon kung tawagan ay bukid area, subalit ngayon ay kilala na sa katawagang Caloocan North.

Hindi naming lubos na sinasabi na ang kuwentong ito ay totoo sapagkat ito ay kuwento lamang sa amin ng aming lolo, na kilala rin sa tawag na Tandang Ates isang opisyal at maginoo ng Hukbong Maghihimagsik ni Hen. Emilio Aguinaldo. Maaaring ito ay totoo o isang kathang isip lamang. Sino ang makapagsasabi, subalit malapit ito sa katotohanan."



(Si Rodolfo C. Faustino ay nanungkulan sa barangay Bagumbong ng halos dalawang dekada at ang kaniyang pinsang si Rey C Fabella ay nanilbihang Kalihim, una sa panunungkulan ni Kabesa Leonardo Clamor, pangalawa sa pamunuan ni Kapitan Mariano Clamor at panghuli ay sa pamunuan ni Rodolfo C. Faustino. Sa administrasyon ni P/B Efren Clamor hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni P/B Nemesio B. Faustino, siya ay naninilbihang miyembro ng Lupong Tagapamayapa).